Pages

Sunday, June 13, 2010

Sana'y ako'y pakinggan.

Ako'y narito sa isang kanto
Naghihintay sa isang tao
Nakatingin sa isang dalan
Kung saan ang tao ay dumadaan
Ako'y umaasa
Na siya'y makita
Para makapagsalita
Ang ninanais sabihin ng makata
Sa totoo lang
Matagal na akong nagaabang
Ngunit kahit minsan
Hindi man lang siya nagparamdam
Sa wakas, siya'y nagpakita
Pero ako'y kanyang binaliwala
Kaya tinanong ko ang sarili ko
Kung Tao nga ba ako?
Alam ko naman na hindi niya ako mahal
Dahil may iba siyang mahal
Pero sana naman ako'y pakinggan
Para ako'y hindi na nasa kanto at nag aabang
Gusto ko sanang mapakinggan niya
Na ako mismo ang magsasabi sa kanya
Na "MAHAL KO SIYA"
Kaya ako'y gumawa nitong tula

No comments:

Post a Comment