Sa malayo siya'y aking pinagmamasdan
kulay dilaw, siya'y nababalutan.
ganda niya walang katulad kahit ihambing
mo sa mga bituin na nag nining-ning
kay ganda niya talagang pagmasdan
kahit malayo kita mo ang kanyang kapintasan
hindi man siya tao, wala man siyang puso
siya'y nag bibigay ilaw sa dilim nang mundo
bawat gabi palagi siyang nandiyan
nakatingin, para kang binabantayan
buo man, oh hindi hindi ka iniiwan
nakasunod palagi sa iyong likoran
minsan lang mawala sa iyong tabi
pag may nagaganap na eclipse
kahit na ika'y minsan iniwanan,
magbabalik siya upang ika'y kanyang masilayan.
No comments:
Post a Comment